Lunes, Hunyo 1, 2009

Pagsisimula ng Buhay Kolehiyo.

PAGSIMULA NG BUHAY KOLEHIYO

Pagkatpos ng isang linggong extension na bakasyon na binigay sa amin, balik pasukan nanaman. Oo malungkot nga dahil sa susunod na linggo hindi na ako pwedeng gumising ng tangghali para mag breakfast. Hindi na ako pwedeng magonline ng buong araw at mahiga sa bahay maghapon para manuod ng Dvds at kung anumang pelikulang interesting na meron sa TV. Wala na ang masasayang araw ko na nagpapahingga lang, pabanjing banjing sa bahay o kung saan man may magimbita. Wala na ang mga araw na may natitira akong oras na walang ginagawa at sinasabi sa sarili na amboring naman!! Magsisismula na ang non stop na homeworks, projects at iba pang mga activities na magbabaha sa oras ko na sa tingin ko ay impossibleng matapos. Tapos na ang pahinga. Hndi ganun ka"active" ng summer ko. Dito lang kami ng family sa bahay at paminsan minsan ay lumalabas kami para magmall o mamasyal at minsan kina lola para nmn makadalaw. Ngayong summer na toh, hindi kami nagbeach sa boracay o kung saan man. Hindi kami nagtagaytay. at hindi din kami nagpuntang province para dumalaw. Buong summer ko ay dito lang sa bahay. Pero hndi naman ako nagreregret kasi malaking pahinga narin ito.


Nagyon, isang araw nalang ang natitira saakin. Pasukukan na namin bukas sa UP pero di parin ako mapalagay. Sabik na akong pumosok at makita ang aking bagong Eskwela, mga kablockmate, mga terror na proffesors, at ang iba ko pang mga kaklase pero may kaba parin akong nararamdaman. Siguro nga dahil baguhan pa ako at wala pang masyadong alam tungkol sa UP at nga dahil freshman pa ko at wala maxadong kakilala. Anglabo di ba. anjan parin ung kaba ko na baka maligaw ako at mapadpad kung saan saan dahil nga commute ako araw araw. Dahil magsisimula pa lng ako, baka magkamali ako ng punta sa class dahil hindi ko pa kabisado ang schedule ko. Andyan din ang kaba na baka masama ako sa mga rali at mapasok sa kung ano anong mga grupo tulad ng fraternity. iba na tlga toh! Sabi ng nila na magingat daw dahil ibang iba na daw sa college lalo na sa UP. Kelangan daw may sariling isip ka at hndi madaling maloko ng tao. Eh ako pa nmn ung taong madaling mapersuade ng tao basta mabait. Hay nako tlga. Hindi ko alam ang ieexpect ko ngayong kolehiyo na ako. Alam kong mas ubod ng hirap kupara mo nung HS o nung Gradeschool. Malamang college na nga toh, ibang level na talaga. Nakakakaba nga pero may kasamang excitement narin dahil nga sa college may freedom ka na at mas maraming exposure at mga activities na maiinvolve ka. Mas marami ka din makikilala sabi nga nila. I just wish smooth sailing ako sa college. Hope my first day and yours will turn out okay. Buhay Kolehiyo na. :D